Dagdag-singil sa kuryente ngayong Abril

SA ikatlong magkakasunod na buwan, muling magtataas ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco).
Inianunsiyo kahapon ng Meralco ang pagtataas ng mahigit anim na sentimo kada kilowatt hour para sa Marso na makikita sa bill ngayong Abril.
Ibig sabihin, magiging P10.5594 per kilowatt hour na ang electricity rate ng Meralco mula sa dating P10.4961 kada kilowatt hour.
Ang mga bahay na kumokonsumo ng 200 kilowatts bawat oras ay magbabayad ng karagdagang P13 sa kanilang bill.
Paliwanag ng Meralco, ang pagtataas ay bunga ng pagmahal ng generation charges na tumaas din ng 3.49 sentimo kada kilowatt hour.
"The generation charge increase is primarily due to higher charges from the Wholesale Electricity Spot Market (WESM) and the weakening of the peso against US dollar," ayon sa Meralco.





Comments