14 yrs. old, nadikubre sa septic tank ng iskul
- Jeff Tumbado
- Apr 9, 2019
- 1 min read

NAGULANTANG ang mga residente at mag-aaral sa Bgy. Cogon Cruz sa Danao City, northern Cebu matapos madiskubre ang bangkay ng 14-anyos na babae sa loob ng septic tank ng paaralan, kahapon ng tanghali.
Una rito, naiulat na sa pulisya ng kanyang mga kaanak ang pagkawala sa biktima noong Abril 6.
Nabatid sa ulat ni Police Corporal Mark Anthony Manulat ng Danao City police, alas-11:00 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa Cogon Cruz Integrated School na may masangsang na amoy na nanggagaling sa septic tank ng paaralan.
Dito tumambad ang bangkay ng biktima na naaagnas na.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente.





Comments