top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

SWAK NA SA SEMIS ANG ROS DAQUIOAG, BIDA SA 15 PTS.

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 8, 2019
  • 2 min read

SWAK sa semifinals ang Rain or Shine Elasto Painters matapos kalusin ang NorthPort Batang Pier, 91-85, sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup kahapon sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

May tangan na twice-to-beat advantage ang Elasto Painters kaya diretso na sila sa susunod na phase habang ligwak na ang Batang Pier.Kumana si Ed Daquioag ng 15 points, limang rebounds at apat na assists para sa Rain or Shine na dinomina ang buong laro.

Maagang nagparamdam ng lakas ang Rain or Shine sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang 10-point lead, 43-33 sa halftime. Hindi nagpabaya ang Elasto Painters sa third canto, nakipagsabayan ng puntos upang manatili sa kanila ang bentahe papasok ng fourth quarter.

Sa playoff period, hindi na hinayaan ng RoS na makaporma ang kalaban kaya umentra na sila sa semis. Samantala, isang hakbang na lang at sampa na sa semifinals ang Barangay Ginebra kaya walang ibang nasa kukote nila kundi tapusin ang mahigpit na karibal na Magnolia Hotshots.

Tangan ang 1-0 serye, magsisimula ang game 2 sa kanilang best-of-three quarterfinals ng 4:30 p.m. sa Araneta Coliseum.

Pero para kay Gin Kings head coach Tim Cone, hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas tungo sa final four. “We really didn’t do anything. It was I guess, put ourselves in the same situation as Rain or Shine and Phoenix,” saad ni Cone, hinggil sa top two seeded teams na bitbit ang twice-beat advantage sa playoffs.

Kinalos ng crowd favorite Ginebra ang Hotshots, 86-75 sa Game 1 kaya namumuro na silang umentra sa susunod na phase.Muling sasandalan ng Gin Kings sina Greg Slaughter at Art Dela Cruz na nagtala ng 15 at 14 points ayon sa pagkakasunod sa kanilang panalo sa Magnolia.

Ibabangga naman ng Hotshots sina point guard Paul Lee at center Ian Sangalang para masilo ang panalo at makahirit ng do-or-die Game 3. Magtatapat naman sa pangalawang laro ang San Miguel Beer at TNT KaTropa sa alas-7 ng gabi. (ATD)

Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)

4:30 p.m. - Magnolia vs Bgy. Ginebra

7:00 p.m. - San Miguel vs TNT

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page