Solusyon sa mahabang pila | DAGDAG-EMPLEYADO SA GOBYERNO
- Mylene Alfonso
- Apr 8, 2019
- 1 min read

MAHABA pa rin ang pila sa mga ahensiya ng gobyerno.
Tulad ng pagkuha ng pensiyon sa Social Security System, driver’s license, pagpapa-check-up at pagpapagamot sa mga ospital ng pamahalaan.
Kaugnay nito, nais ni dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go ang mas mabilis na serbisyo.
Bagama’t, unti-unti nang umaayos ang serbisyo ng gobyerno para sa mga mamamayan sa ilalim ng administrasyong ni Pangulong Rodrigo Duterte, kailangan pa umano itong pabilisin pa.
Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng dagdag na empleyado sa mga ahensiya ng gobyerno.
Iginiit pa ni Go, na ang utos sa kanya ng pangulo ay huwag nang pahirapan at paghintayin ang mga taong nangangailangan sa halip ay suklian ng mabilis na serbisyo dahil sa mamamayan galing ang buwis ng gobyerno.





Comments