Pinakamainit na temperatura, naitala sa Metro Manila

NAITALA noong Sabado ang pinakamataas na temperatura sa Metro Manila ngayong taon na umabot ng 35.4°C.
Ayon kay Lorie Mae dela Cruz, weather forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), natukoy ang mainit na temperatura sa Quezon City.
Kasabay nito ay ibinabala ng PAGASA na posibleng umabot pa ng 38°C ngayong buwan ang temperatura.
Patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa ang easterlies o medyo mainit na hangin mula sa Pasipiko.
Samantala, maaari namang makaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Mindanao at Eastern Visayas.
Gayunman, maliit pa rin ang tsansa na magkaroon ng malakas na pag-ulan sa iba pang bahagi ng Visayas at Luzon.





Comments