PCUP, kasama ng taumbayan sa mas pinagaang na pamumuhay!


MARAMI pa ang hindi nakakikilala sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa kabila ng mga serbisyo na inihahatid nito sa masa. Kadalasan, nagkakamali ang karamihan sa pangalan nito tulad ng Philippine Commission for the Urban Poor at iba pa dahil hindi pa sikat ang nasabing ahensiya. Ngunit ngayon, nagsisimula nang magkaroon ng interes ang mga tao sa PCUP tulad ng isyu natin ngayon.
Tanong: Good day, Sir Alvin! Tagasubaybay ako ng column ninyo. Napapansin ko na tungkol sa PCUP ang inyong isinusulat. Itatanong ko lang kung ano ang ginagawa ng PCUP sa masa? Hindi kasi ito kilala kumpara sa ibang ahensiya ng gobyerno, curious lang ako. Salamat! — Lisa ng Malabon
Sagot
Maraming salamat sa inyong interes sa PCUP. Ikinagagalak namin na umabot na rin sa kaalaman ninyo na mayroong PCUP na nariyan upang tumulong sa masang Pilipino. Aminado tayong ang ating ahensiya kumpara sa ibang ahensiya ng gobyerno ay hindi ganu’n kasikat. Ikinalulungkot namin na sa rami ng maaaring maging serbisyo ng ating ahensiya ay kaunti lamang ang nakaa-access dahil kaunti lamang ang may kilala rito.
Ang PCUP ay ahensiya kung saan pinangangalagaan nito ang interes ng mga mahihirap nating kababayan. Misyon nitong iangat ang antas ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagbibigay-access sa lupa at pabahay, livelihood and employment, basic services at iba pa.
Mistulang “direct link” o direktang tagapag-ugnay ng maralita ang PCUP. Inilalapit nito ang mga tao sa gobyerno, lalo na sa pagbubuo ng mga polisiya at programa na makaaapekto sa kanila. Pinahahalagahan nito ang boses ng masa at ipinararating ito sa kinauukulan upang mas mapadali ang pagtugon sa nasabing mga isyu.
Sa ngayon, mayroon na rin tayong mga programa na nagbibigay ng “direct services” sa mga maralita. Nariyan ang PCUP Caravan, Adopt-a-Community at Urban Poor Privilege Card. Ang mga priority program na ito ay lalong magpaparamdam sa inyo ng tunay na pagmamalasakit ng pamahalaan dahil ang PCUP na ang magbababa ng mga serbisyo sa inyong lugar.
Tulad ng PCUP Caravan, ibinaba natin ang pinagsama-samang serbisyo ng gobyerno, corporate at NGO partners natin sa inyong barangay. Ang Urban Poor Privilege Card naman ay discount card tulad ng PWD at Senior Citizen Card kung saan magkakaroon ng discount ang ating mga maralita sa goods at amenities. Ang Adopt-a-Community naman ay programa kung saan ipaaalaga natin ang inyong urban poor community sa partner ng PCUP upang maitaas ang antas ng inyong pamumuhay.
Ang PCUP ay tagapagtanggol ng karapatan ng mahihirap sa isyu ng demolisyon at ebiksiyon. Sinisiguro nating makatao at naaayon sa batas ang gaganaping pagpapaalis.
Marami pang mga serbisyo ang maaaring maibigay ng ahensiya ng PCUP sa mga Pilipino.
Kung kayo po ay interesado, may katanungan o suhestiyon, maaari po kayong bumisita o mag-message sa PCUP Official FB Page na www.fb.com/pcupPH, hanapin ang hashtag na #PCUPatyourService o mag-email sa pcup.media2019@ gmail.com upang higit pang matutunan ang tungkol sa ahensiya ng mga maralita.
Kung kayo po ay interesado, may katanungan o suhestiyon, maaari po kayong bumisita o mag-message sa PCUP Official FB Page na www.fb.com/pcupPH, hanapin ang hashtag na #PCUPatyourService o mag-email sa pcup.media2019@ gmail.com upang higit pang matutunan ang tungkol sa ahensiya ng mga maralita.





Comments