top of page
Pokwang.jpg

Noon, mas gustong maging golfer na lang… DEREK, NATAUHAN NA PALAOS NA, BALIK-SHOWBIZ

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 8, 2019
1 min read

MAKARAAN ang walong buwan na pag-iisip at pagtitimbang sa mga gusto niyang gawin sa buhay, tinanggap na rin ni Derek Ramsay ang offer ng GMA Network upang maging bahagi sa hanay ng kanilang mga maipagmamalaking talents.

Kung dati ay gusto munang lumin­ya ni Derek sa pagiging atleta at ma­ging magaling na golfer, ngayon ay na-realize niya na sayang ang mga oportunidad na dumarating sa kan­yang showbiz career.

Hindi naman mawawala ang kanyang pagiging atleta. Anytime, puwede niyang balikan ang linyang ito.

Pero sa showbiz, mas matindi ang kompetisyon. Maraming mga bago at magagaling na artista na puwedeng pumalit sa pu­westo ng mga naunang inidolong celebrities.

Si Derek ay leading man ang status. Magaling din siyang umarte at may talent sa hosting. Malaking factor na may regular TV show siya upang mapa­natili ang kanyang popu­laridad sa masa.

Dito nagbabase ang mga advertisers sa pag­ku­ha ng product endorsers. Kaya wise decision para kay Derek Ramsay ang pagi­ging aktibo niya nga­yon sa telebisyon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page