Napagkamalan lang | 17-ANYOS NA DALAGITA PINAGBABARIL, TODAS

UTAS ang 17-anyos na dalagita matapos pagbabarilin habang kumakain sa harapan ng kanilang bahay, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Manila.
Namatay habang ginagamot sa Tondo General Hospital ang biktimang si Ronalyn Cordero, out-of-school youth (OSY), sanhi ng dalawang tama ng bala sa katawan.
Nakatakas naman ang suspek matapos makitang napuruhan ang biktima.
Batay sa imbestigasyon ni P/Senior Master Sgt. Lester Evangelista, alas-3:30 ng madaling-araw nang mangyari ang pamamaril sa sa Dayao Street.
Kasama ng biktima ang kanyang pinsan na kumakain nang sumulpot sa kanilang likuran ang salarin at agad itong pinaputukan ng dalawang ulit bago tumakas.
Sa impormasyong nakuha, posibleng napagkamalan lamang ng gunman ang biktima dahil ayon sa mga kaanak nito ay mabait itong bata at wala silang alam na may kaaway ito.
Patuloy namang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa pagpaslang.





Comments