top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Matapos masawi ang ilang players | PUBG, IBA-BAN SA INDIA

Jersey Sanchez
Apr 8, 2019
1 min read

PINAG-AARALAN na ng pamahalaan ng India ang pagba-ban sa bansa ng online game na PlayerUnknown’s Battlegrounds o PUBG.

Ito ay nang magpatiwakal ang 16-anyos na manlalaro nito matapos mapagalitan ng ina.

Napag-alaman na napagalitan ito ng ina dahil sa halip na mag-aral ay naglaro lamang ito ng PUBG.

Dahil dito, marami ang nananawagan sa pag-ban ng naturang laro sa bansa.

Samantala, noong Marso, dalawang lalaki ang nasawi matapos masagasaan ng tren dahil abala sa paglalaro ng PUBG sa kanilang mobile phone.

Gayunman, ilang lungsod sa Central Indian State na Guajarat ang nag-ban ng PUBG dahil nagdudulot umano ito ng distraction sa bawat isa, partikular na sa mga kabataan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page