Magsasaka patay sa killer bus
- Levi Gonzales
- Apr 8, 2019
- 1 min read

DEDBOL ang magsasaka matapos magulungan ng pampasaherong bus sa Bgy. Isidro, Atimonan, Quezon.
Batay sa report, ala1:40 ng madaling-araw, binabagtas ni Leonardo Villaroya, 51, ng Bgy. Ogao Gubat, Sorsogon, driver ng bus, ang kahabaan ng Maharlika Highway nang hindi nito napansin ang pagtawid ng biktimang si Rodel Gatmaitan, 58, ng Bgy. San Andres Bundok.
Pumailalim ito sa bus hanggang sa tuluyang naging kalso ang kanyang katawan ng gulong nito.
Isinugod ito sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival.
Kinasuhan naman ang driver ng bus habang nasa kustodiya siya ng pulisya.





Comments