top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kelot binaril ng nakatalo, dedo

Maeng Santos
Apr 8, 2019
1 min read

TODAS ang 29-anyos na lalaki matapos pagbaba­rilin ng hindi kilalang gun­man makaraan ang pagtatalo sa Caloocan City, kamaka­lawa ng hapon.

Namatay habang gina­gamot sa Dr. Jose N. Rodri­guez Memorial Hospital sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala sa katawan si Oliver Tamayo, ng Visaya Group, Bgy. 178, Camarin.

Ala-1:00 ng hapon, na­kaupo ang biktima sa kaha­baan ng J.P Rizal St., Sto. Niño, Bgy. 178, Camarin nang lapitan ng suspek na nakasuot ng sando at short pants saka kinompronta sa hindi pa malamang dahilan.

Nauwi ang dalawa sa pagtatalo hanggang sa bigla na lamang naglabas ng baril ang suspek at dalawang be­ses pinutukan sa katawan ang biktima bago tumakas.

Patuloy ang follow-up investigation sa pagkaka­aresto sa suspek habang ina­alam pa ang motibo sa in­sidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page