top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

66 atleta nalason

  • V. Reyes
  • Apr 8, 2019
  • 1 min read

TINATAYANG 66 atleta ang naospital matapos umanong mabiktima ng hinihinalang pagkalason sa kanilang kinain sa Ormoc, Leyte nitong Sabado.

Batay sa paunang impormasyon, halos sabay-sabay na nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ang 66 atleta mula sa mga eskuwelahan sa Biliran na kalahok ng Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Meet.

Nakalabas na ng ospital ang 55 na manlalaro kahapon ng umaga habang patuloy na inoobserbahan ang 11 iba pa.

Inaalam na ng health officials sa lugar kung ang mga kinain o ininom ng mga manlalaro ang naging sanhi ng pagkalason.

Kahapon nagsimula ang anim na araw na EVRAA Meet 2019.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page