Wa' na paki sa sasabihin ng iba… BEA, TODO-BIGAY NA SA PAGDIDISPLEY NG LOVE KAY GERALD
- BULGAR

- Apr 7, 2019
- 2 min read

HUMANGA kami sa interview kay Bea Alonzo ni Angel Jacob. We realized kung gaano kalalim ang aktres at kung bakit masasabing na-in love talaga sa kanya nang husto ang isang Gerald Anderson.
She mentioned na minsan daw sa buhay niya, nagkaroon siya ng inggit sa mga naging kaklase niya noon. Meron kasing nag-take-up ng Nursing na later on ay nag-iba ng isip at nag-shift ng course.
Sabi niya raw sa sarili, “Heto, artista ako noon at hanggang ngayon, artista pa rin ako.”
She started in showbiz at 13 and now, she is in her late twenties na nga naman.
On second thought, naisip niya rin daw na kahit artista siya, pangarap niya naman ito since she was a child.
And as an actress nga naman, sabi niya, “I can be a nurse for a while or a doctor at that or I can have any profession I want ‘pag naibigay sa akin ang ganu’ng role.”
And at this stage in her life, nagdesisyon siyang alisin ang mga fears niya. Dati raw, ayaw niya ng horror films pero look at her now, bida sila ni Charo Santos sa Eerie movie.
May panahon daw na dahil sa gusto niyang magampanan nang husto ang character niya, nadadala niya ito in real life. Minsan daw, hindi siya makalabas-labas ng car dahil nararamdaman nga niya ang takot na naranasan niya nu’ng ginagawa ang pelikula. But after a while, she was able to suddenly overcome it.
Kaya understandable rin ‘yung pagiging fearless ni Bea these days. Hindi ba once she said something about her stand on marriage which is of course unexpected from one who is as sweet as Bea?
Lately, she was able to shed off her fear by showing off her body and wear a two-piece bikini.
She dared even show how she loves Gerald by giving a party for him. Naging open siya sa kanyang love for her boyfriend at hindi siya natakot this time kung anuman ang sasabihin ng tao sa kanya.
And she says that now, open na siyang tanggapin ang anumang role na ibibigay sa kanya.





Comments