Taas-presyo sa gas

INAASAHANG may taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa darating na linggo.
Sa pagtaya ng Jetti Petroleum, ayon sa naging trading mula Lunes hanggang Huwebes, nasa P0.25 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina habang sa diesel naman ay posibleng madagdagan ng P0.15 kada litro.
Wala namang inihayag kung may pagtaas sa presyo ng kerosene.
Ang pinal na presyo ng itataas ng petrolyo ay depende sa naging resulta ng trading kahapon.
Posibleng ngayong araw o sa Lunes mag-aanunsiyo ang mga kumpanya ng langis. Ang oil price adjustment ay kadalasang ipinatutupad ng Martes.





Comments