top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Revolutionary Gov't. ni P-Digong, 'pag natuloy; VP Leni magiging presidente!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 7, 2019
2 min read

MABIBIYAYAAN ang Liberal Party kapag idineklara ni P-Digong ang revolutionary government.

Kasi awtomatiko itong magrerebelde sa umiiral na Konstitusyon kung saan ang maiiwang lider ng Constitutional government ay ang bise-presidente!

◘◘◘

MAY posibilidad na magkagulo kung ang ilang paksiyon ng AFP ay ka­kampi sa constitutional government.

Tiyak na kakampi ang matataas na heneral sa revolutionary government na pamumumuan ni P-Digong, pero hindi siya nakatitiyak na walang papabor sa 1987 Constitutional government!

◘◘◘

SAAN papabor ang U.S.? Saan papabor ang U.N.?

Kapag kinatigan ng U.S. ang 1987 Constitutional government na maiiwan sa mga kamay ni Vice-Pres. Leni, malaking gulo ito!

◘◘◘

MABIGAT ang senar­yo, kapag ang revolutionary government ni P-Digong ay katigan ng China.

At mas delikado kapag ang 1987 Constitutional government ni VP Leni ay paboran ng U.S.!

◘◘◘

DAHIL sa aktibong panghihimasok ng U.S. at China, ang deklarasyon ng revolutionary government ay napakadelikadong senaryo.

Civil war ang mara­ranasan o kaya ay masa­sadlak tayo sa sitwasyon ng Venezuela!

◘◘◘

ANG Venezuela ay kinokontrol ngayon ng Constitutional president dahil nagwagi sa eleksiyon si Pangulong Maduro.

Pero, kinatigan ng U.S. ang natalo sa elek­siyon na isang oposisyon!

◘◘◘

ANUMANG malaking pagbabago sa kasaysayan ng Pilipinas ay palaging naka­sawsaw ang mga Kano.

Para magtagumpay ang revolutionary government ni P-Digong, kaila­ngan kakampi niya ang U.S.!

◘◘◘

NAGTAGUMPAY ang Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Mar­cos at revolutionary government ni dating Pangulong Cory Aquino dahil may bendisyon sila ng Kano sa simula ng kanilang adminis­trasyon.

Sa ngayon, imposib­leng ideklara ni P-Digong ang revolutionary government dahil personal ni­tong kaaway ang mala­king paksiyon sa White House at Pentagon!

◘◘◘

MARAMI ang nagpayo kay ex-P-Marcos na huwag ideklara ang Martial Law, dahil delikadong magkaroon ng civil war sa paniniwalang papalag ang U.S.

‘Yan din ang ipinapayo kay P-Digong, kapag idineklara niya ang revolutionary government, malaki ang tsansang pu­malag ang U.S. at agawin ng kanilang mga kapa­nalig ang Malacañang!

◘◘◘

HINDI maaaring ikum­para ang sitwasyon nina ex-P-Marcos at P-Digong kasi kakampi ni Makoy ang U.S. nang ideklara ang Martial Law.

Taliwas dito, imbiyer­na ang White House kay P-Digong kaya mabibi­ngit sa civil war ang Pilipinas!

◘◘◘

KAHIT pumabor kay P-Digong ang 90 porsiyento ng AFP tulad ng sitwasyon ni Maduro, tiyak na papalag ang mga Kano dahil may “China factor” ang senaryo ngayon.

Magkakagulo kasi maaaring hindi kilalanin ng U.S. ang revolutionary government ni P-Digong na siyang inaabangan ng oposisyon sa pangunguna ng Liberal Party!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page