top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Motor sinalpok ng bus, 2 lasog

Levi Gonzales
Apr 7, 2019
1 min read

PATAY ang dalawang hindi pa nakikilalang sakay ng motorsiklo matapos salpukin ng pampasaherong bus sa Bgy. Buhangin, Atimonan, Quezon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pasado ala-1:00 ng madaling-araw, patungong Maynila ang Bragais bus na minamaneho ni Joel Jose, nang bigla umanong sumulpot ang motor. Sumalpok ito sa unahang bahagi ng kanyang sasakyan kung saan kapwa tumilapon ang rider at angkas nito.

Nagtamo ang mga ito ng matinding pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima habang nakakulong na ang driver ng bus.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page