top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Misis tinodas ni mister

  • Pabs Hernandez III
  • Apr 7, 2019
  • 1 min read

ILOCOS SUR — Isang misis ang binaril at napatay ng kanyang mister, kamakalawa sa Bgy. Malaya, Cervantes sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Jona Gando, 36-anyos, samantalang, ang suspek ay ang kanyang mister na si Nolie, 44-anyos, kapwa nakatira sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, habang nasa burol ng kanyang yumaong ama si Jona ay sa hindi malamang dahilan ay bigla itong pinagbabaril ng kanyang mister.

Dinala pa ng mga saksi si Jona sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, kusa namang sumuko sa pulisya si Nolie.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page