top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Malinaw ayon sa palad... LALAKING NAKATAKDANG UMASENSO SA PAGNENEGOSYO

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 7, 2019
3 min read

KATANUNGAN

  1. Ako ay nagtataglay ng “straight head line” sa aking mga palad, Maestro, ang sabi ninyo sa inyong mga nagdaang artikulo kapag straight o tuwid ang Head Line, ito ay palatandaan na yaya­man.

  2. Pero, ang ipinagta­taka ko ay kung paano ako yayaman kung pang­karaniwang empleyado lang ako ng gobyerno na tama lang ang su­weldo?

  3. Kaya ngayon ay balak ko sanang mag-resign sa aking trabaho at iniisip kong magtayo ng sarili kong business. Baka wala kasi sa pama­masukan ang pagyaman ko kundi sa pagnene­gosyo. Ano ang masasabi ninyo?

  4. Ang isa ko pang napansin sa aking palad, parang huminto ang Fate Line ko, ibig sabihin ba nito ay mawawalan ako ng trabaho?

  5. Kaya paki-analyze naman ang aking palad kung ano ang mangya­yari sa aking kapalaran, lalo na sa mga susunod na taon.

KASAGUTAN

  1. Tama ka, Mr. Capri­corn, kapansin-pansing straight Head Line (Dra­wing A. at B. H-H arrow a.) ang guhit ng isip sa ka­liwa at kanan mong palad na sinabayan ng paghinto ng Fate Line o Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa ka­liwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na hindi nga magtatagal, sa ayaw at sa gusto mo, bigla kang masisisante sa iyong trabaho at ang pagkawala ng hanap­buhay na ito ang magtu­tu­lak o magsisilbing si­mula upang magbago ang tinatahak na linya ng iyong career.

  2. Mula sa dating pang­karaniwang mang­ga­gawa o trabahador sa ahensiya ng gobyerno — ang malinaw, kumapal at humabang Business Line o Guhit ng Negosyo (Dra­wing A. at B. N-N arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, ang nagpa­pa­hiwatig at kumum­pirma na ang siguradong mangyayari sa kapalaran mo ay “change of career” o pagbabago ng linya kung saan kung noong dati ay sumusuweldo ka tuwing akinse at kata­pusan na matapos ku­mubra ng suweldo ay ubos kaagad ang perang kinita o na­hawakan mo, sa bagong linya ng hanap­­buhay, iba na ang maga­ganap — bukod sa wala ka ng amo, ang tubo o balik ng iyong puhunan ay matatanggap mo na, araw-araw.

  3. Sa sandaling pina­ikot mo nang pinaikot ang nasabing balik-tubo sa iyong negosyo, mabi­lis na lalago ang papa­sukin mong negosyo.

  4. Kung saan ayon sa birth date mong 24 o 6 (2+4=6) na may ruling planet na Venus, ang nu­mero mong sais (6), may kaugnayan sa produk­tong pagkain ang kusa mong maiisipang simu­lan at sa negosyo ring ito, unti-unting kang uunlad hang­gang sa tuluyan ka ng yuma­man.

  5. Sa panahong ‘yun, kapag nakikita mong umuunlad at lumalago na ang iyong negosyo, kusa na ring matutupad ang nais sabihin ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad dahil sa pagiging praktikal, ma­sinop sa kabuhayan, ma­teryoso at mapagma­hal sa salapi, uunlad nang u­unlad ang iyong kabu­ha­yan hanggang sa tulu­yan ka ng yumaman.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Mr. Cap­ricorn, sa susunod na taong 2020, bigla kang mawawalan ng trabaho. Ngunit, kasabay nito, ma­kadidiskubre ka ng ka­kaibang negosyo o pro­dukto na may kaugnayan sa pagkain at sa negos­yong nabanggit katu­wang ang iyong mayba­hay na Libra, tiyak ang ma­gaganap, sa bagong source of income, unti-unting lalakas ang inyong negosyo at dahan-dahan na ring uunlad ang in­yong kabuhayan hang­gang sa paglipas ng lima hanggang pitong taon, sa taong 2025 hanggang 2027, sa edad mong 52 pataas, mararamdaman mong natutupad na nang kusa ang “straight head line” sa kaliwa at kanan mong palad kung saan payaman ka na nang pa­yaman na halos hindi mo na namamalayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page