Graft kay ER, plunder kay Jinggoy; magpinsan, nangangamoy magkakosa, hmmm...
- BULGAR

- Apr 7, 2019
- 2 min read
EX-GOV. EJERCITO, HINATULAN NA NG KORTE, PERO LAYA PA RIN? —Hinatulan ng Sandiganbayan ng anim hanggang walong taong pagkabilanggo si ex-Gov. ER Ejercito kaugnay sa kinahaharap nitong kasong katiwalian na may kaugnayan sa “illegal insurance scam” noong alkalde pa siya ng Pagsanjan, Laguna.
Tulad nang inaasahan, kahit guilty ang naging hatol sa kanya ng Sandiganbayan ay laya pa rin siya sa pamamagitan ng P30K piyansa, malamang, dahil siya ay DDS, boom!
◘◘◘
GRAFT CASE KAY EX-GOV. ER, PLUNDER CASE KAY EX-SEN. JINGGOY— Kung si ex-Gov. ER ay may graft case, ang pinsan naman nitong si ex-Sen. Jinggoy Estrada ay may plunder case.
Kaya sakaling sa 2022 Presidential Elections ay hindi nila kaalyado ang maihalal na pangulo, baka maging magkakosa sa piitan ang magpinsang ito kasi malamang, ipakalaboso sila ng next administration, abangan!
◘◘◘
“JS”, BAKA MANGHIHIRAM NG MUKHA SA ASO KAPAG NAKITA SIYA NI “PULONG” — Isang araw matapos ibulgar ng isang alyas Bikoy na sangkot daw sa iligal na droga sina Presidential Son Paolo “Pulong” Duterte at Waldo Carpio na bayaw ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay tila alam na agad ni “Pulong” kung sino ang nasa likod ng atake sa kanya dahil ito ang resbak na post niya sa social media, “wow, ha? Kung makaimbento ka wagas. Galit ka kay Waldo kasi binabara niya lahat ng smuggling mo ng bigas at asukal, di ba, “J.S.”? Galit ka sa akin kasi hindi kita pinansin sa eroplano kasi hambog ka! Ngayon pansinin na kita kasama ng mga kamay ko na kasinglaki ng mukha mo ‘pag nangyari ‘yan. ‘Yan ang totoong balita.”
Naku, tila “manghihiram ng mukha sa aso si “JS” kapag nakita ito ni “Pulong”, he-he-he!
◘◘◘
SINO SI “JS”?—Sino ang tinutukoy na “JS” ni “Pulong”? Malalaman din ng publiko ang kaso kung sino ang sasapakin ni “Pulong”, ‘yun na ‘yun, period!





Comments