First Sister, todo-sawsaw na naman daw… KRIS, TODO-TANGGOL SA ANAK NI P-DIGONG NA DAWIT SA DROGA
- BULGAR

- Apr 7, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KINOKONDENA ng mga netizens si Kris Aquino dahil sa ginawa diumano nitong pakikisawsaw sa problemang kinakaharap ng pamilya ni President Rodrigo Duterte.
Kilala ang dating TV host-actress sa pagiging bukas nito sa publiko tungkol sa kanyang mga pinagdaraanan at nais sabihin. Kaya hindi na kataka-taka kung magbigay ito ng komento at ipagtanggol ang bunsong anak ni President Duterte na si Kitty Duterte laban sa mga taong idinadawit ito sa iba’t ibang isyu at kontrobersiya.
May kumakalat kasi na video sa YouTube na may titulong Ang Totoong Narco List Part 2 kung saan idinadawit ang pangalan ni P-Digong at ang kanilang pamilya sa isyu ng droga sa ating bansa.
Ani Kris, “LEAVE KITTY ALONE. She isn’t an adult. She is not fair game. She will only be turning 15 this April (relied on Google, so hopefully accurate)… connecting the money trail to Ms. Honeylet, using “Veronica Salvador” was too WEIRD, primarily because WALANG NANAY na gagamitin ang pangalan ng kanyang nag-iisang anak para malagay ang bata sa kapahamakan.”
Sinabi ni Kris na ipinagtatanggol niya ang bunsong anak ni P-Digong dahil puwede pang may ibang bata na gamitin sa ganitong kontrobersiya at naranasan din niyang ma-bully ang kanyang mga anak.
Aniya, “Nagsalita ako kasi kung may ipinaglalaban, hindi tama na gagamitin ang bata to prove a point. We adults have enough sins, let’s spare the kids? Yes may HUGOT ‘yan. Kasi too many times ko nang naranasan ma-bully ang mga anak ko, eh, kung bunso na nga ni Presidente Duterte puwedeng magamit sa video, paano pa ‘yung mga ibang bata? God bless us with more wisdom to know better & do better for our children.”
Ayon kay Kris, hindi pulitika ang motibo ng kanyang pagpo-post kundi tungkol ito sa pagiging disente at pagrespeto sa karapatan ng mga menor-de-edad.
“This wasn’t about politics, regardless that Kris Aquino is posting about Ms. Honeylet & Kitty Duterte. Tungkol ito sa pagiging DISENTE at sa pagRESPETO sa mga KARAPATAN ng mga menor-de-edad, na dahil sa pulitika, nalilimutan na,” pagtatapos ni Kris.
Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang naging post ni Kris Aquino. May ilan na pumuri sa Queen of All Media dahil sa ginawa nitong pagdepensa sa bunsong anak ni P-Digong, pero may ilan ding hindi ito kinagat at sinabing huwag na raw makisali ang TV host sa problema ng pamilya ng pangulo.





Comments