Ang laki ng galit sa GF mo, Luis… HIRIT NG NETIZENS: DARNA, IBOBOYKOT NAMIN 'PAG SI JESSY ANG B


KAWAWA naman si Jessy Mendiola. Wala naman itong ginagawang masama sa mga netizens pero bakit ba gigil na gigil at galit na galit sa kanya ang marami? Mababasa ito sa mga comments nila sa social media.
Dahil sa pag-atras ni Liza Soberano bilang Darna, may ilang fans ni Jessy ang humirit na siya na lang ang ipalit.
Kaso, ang dami agad kumontra, hindi raw bagay kay Jessy ang Darna dahil mas bagay siyang Valentina, ang kalaban ni Darna na may mga ahas sa ulo, at mas makatotohanan daw ito dahil sa ginawa ni Jessy kay Angel Locsin.
Suggestion pa ng mga netizens, ibalik si Angel bilang Darna at si Jessy ang gawing Valentina para raw magkaalaman na ang ex-GF at present GF ni Luis Manzano.
Banta pa nila, iboboykot nila ang Darna ‘pag si Jessy ang naging bida.
Nakakalokah!





Comments