top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

4 miyembro ng Parojinog Drug Group, utas

Jeff Tumbado
Apr 7, 2019
1 min read

APAT na lalaki na uma­no’y mga miyembro ng Parojinog Illegal Drug Syn­dicate ang napatay ng pu­lisya sa nangyaring mag­kahiwalay na police opera­tions sa Mandaue City, Cebu, Biyernes ng gabi.

Unang napatay ang isang Jessie Parojinog alyas Oyong na nabaril ng mga pulis sa Bgy. Tingub makaraang magpaputok ng baril habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya.

Dinala pa sa pinaka­ma­lapit na ospital si Parojinog pero, hindi na rin ito umabot ng buhay. Nakatakas naman ang isa pang kasama nito.

Napatay naman sina Henry Labajo at Eduard Baliling sa ikinasang police operation sa Bgy. Looc.

Isinisilbi sa dalawa ang warrant of arrest nang manlaban umano ang mga ito dahilan para gantihan ng mga pulis.

Samantala, pinagbabaril ng hindi pa matukoy na sa­larin na sakay ng motorsiklo ang isang Danilo Parojinog.

Ayon kay Police Major Mercy Villaro, ang mga napatay ay miyembro ng isang grupo na bahagi ng Parojinog Illegal Drug Group na nag-o-operate sa Ozamis City.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis para sa iba pang miyembro ng nasabing grupo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page