2 lider ng NPA todas sa bakbakan
- Jeff Tumbado
- Apr 7, 2019
- 1 min read

NAPASLANG ng militar ang dalawang hinihinalang lider ng New People’s Army (NPA) kasunod ng engkuwentro sa Digos City, Davao del Sur.
Tumagal ng halos isang oras ang sagupaan sa pagitan ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army at mga miyembro ng NPA sa Sitio Lanan, Bgy. Goma bago naiwang bumulagta ang mga rebelde.
Ang isa umano sa dalawang napatay na NPA commanders ay babae na nakilalang si Kumander Camille, 35, asawa ng kapatid ng isa ring kumander ng grupo na si Kumander Jasmin, dating lider ng Front 51.
Ayon kay Army Lt. Col. Rhojun Rosales, commander ng 39th Infantry Battalion, ibinase nila ang larawan sa kanilang files.
Sinabi ni Rosales na ang grupo ni Camille ang nangunguna sa pangangalap ng revolutionary taxes sa mga pulitiko na kumakandidato sa lugar na sakop ng kanilang operasyon.





Comments