top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PAGULAYAN AT ARANAS, UMANGAT ANG RANKINGS

  • Eddie M. Paez Jr.
  • Apr 6, 2019
  • 1 min read

UMAKYAT sina Alex “The Lion” Pagulayan at Zo­ren James “Dodong Dia­mond” Aranas sa ranking ng 2019 AzBilliards Money­board matapos ang pagpapa­tuloy ng kani-kanyang im­presibong paglalakbay sa unang mga buwan ng kasa­lukuyang taon.

Nasa pang-apat na po­sisyon na si Pagulayan, hi­nirang na 2004 World 9-Ball Championship king, sa tala­an dahil sa naibulsa na niyang $28,500 samantalang naka­salampak sa pampitong bay­tang si Aranas sa tulong ng nakolekta nitong $23,225.

Limang beses nang naka­sampa sa podium ngayong 2019 ang 40-anyos na bilya­rista na ipinanganak sa Isa­bela. Kasama rito ang malu­pit na paghablot niya ng ko­rona sa apat na magkaka­ibang torneo: Music City Challenge (Enero; Madison, Tennessee), Scotty Town­send Memorial One Pocket at 9-Ball (Marso; West Mon­­roe, Los Angeles) at Texas 10-Ball Champion­ship (Peb­rero; Round Rock, Texas). Pumangatlo rin siya sa Der­by City Classic (DCC) One Pocket (Peb­rero; Elizabeth, Indiana). Ang pinakahuli ni­yang sinalihang bakbakan ay ang katatapos na World Pool Masters sa Gibraltar kung saan siya naging quarterfi­nalist.

Hinirang na kampeon si Aranas ilang araw pa lang ang nakakaraan sa Super Billiards Expo (SBE) Dia­mond Open 10-Ball Pro Players’ Championships (Marso; Pennsylvania), brides­maid sa DCC 9-Ball (Peb­rero; Elizabeth, Indiana) at tersera sa Predator Grand Finale (Enero, Astoria, New York) at sa Maryland 9-Ball State Bar Table Cham­pion­ship (Marso, Glen Burnie, Maryland).

Dalawang Pinoy pa ang napabilang sa piling listahan ng mga manunumbok: ang alamat mula sa Tarlac na si Francisco “Django” Busta­mante (13th, $17,700) at mo­neygame king Dennis “Ro­bocop” Orcullo (15th, $16,650).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page