top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Misis na tulak at supplier, timbog

Janice Baricuatro
Apr 6, 2019
1 min read

HULI sa akto ang babaeng tulak at ang supplier nito habang nagtatransaksiyon sa buy-bust operation kamakalawa ng hapon sa Bgy. San Francisco, Gen. Trias, Cavite.

Kinilala ni Police Supt. Paul Bometivo, ang mga suspek na si Flormalita Bocis, 40, at supplier nitong si Domingo Leones, Jr., 28, kapwa ng Bgy. San. Francisco, Gen Trias City.

Isang coordination ang natanggap mula sa Cavite PIB-PSOG, Cavite HPG at PDEA hinggil sa gagawing buy-bust operation laban sa babaeng suspek.

Alas-4:30 ng hapon nang ikasa ang buy-bust kung saan isang pulis ang tumayong scorer at nakipag-transact sa babaeng suspek.

Habang isinasagawa ang transaksiyon, dumating si Leones na supplier ng target.

Nagbagsak ito ng shabu sa babaeng suspek kaya rito na lumabas ang grupo ng kapulisan at dinakma ang mga ito.

Nakuha sa mga ito ang nasa 35 gramo ng shabu na aabot sa mahigit-kumulang sa P300,000.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page