Mga anti-Duterte kapag ipinahuli, tiyak maghahalo ang balat sa tinalupan!
- BULGAR

- Apr 6, 2019
- 2 min read
KAPAG IPINAHULI NI P-DUTERTE ANG KANYANG MGA KRITIKO, MAGHAHALO ANG BALAT SA TINALUPAN — Nagbanta si P-Duterte na kapag hindi raw tumigil ang kanyang mga kritiko sa kababatikos sa kanyang administrasyon ay sususpendihin daw nito ang writ of habeas corpus para ipaaresto ang mga taong bumabatikos sa kanyang gobyerno at pamilya.
Naku, ‘yan ang huwag gagawin ni P-Duterte kasi kapag ginawa niya ‘yan, tiyak magkakagulo at maghahalo ang balat sa tinalupan, pramis!
◘◘◘
KADALDALAN NI P-DUTERTE, MAGAGAMIT NA EBIDENSIYA NG ICC LABAN SA KANYA — Sa PDP-Laban campaign rally sa Malabon City, ito ang idinaldal ni P-Duterte, “ang iligal na droga, hindi ko makontrol. P—ina, ipinapatay ko na ang mga hindot na ‘yan, nand’yan pa rin ang iligal na droga. Mas lalo tuloy tumindi.”
Sablay ang idinaldal niyang ito dahil puwede itong magamit na ebidensiya ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya dahil mistulang siya na rin ang umamin na mayroong polisiyang EJK ang kanyang administrasyon, boom!
◘◘◘
CHINA, MARAMING IPINAGBABAWAL SA MGA PINOY SA PILIPINAS — Sa itinayong China food park sa Alabang, pinagbabawalan umano ng mga Chinese na kumain dito ang mga Pinoy.
Hay naku, ngayong panahon lang ni P-Duterte nangyari na ang mga Pinoy, bawal pumunta sa mga isla ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS), mangisda sa karagatan ng Pilipinas at ang latest, pinagbabawalan ang mga Pinoy na kumain sa China food park na nasa mismong lupain ng ating bansa, buwisit!
◘◘◘
RAKET NA BOOKIES AT VK NI ‘TITA’ SA CALAMBA CITY, TULOY PA RIN — Hindi pa rin daw tumitigil ang raket na bookies at video karera ni “Tita” sa Calamba City.
O, ano Mayor Timmy Chipeco, “nganga” ka na lang ba sa panraraket ni “Tita” sa mga constituent mo sa Calamba? Aba, aksiyon na, dali!





Comments