Lolo patay sa killer trak

DEDO ang 59-anyos na lalaki matapos mabangga ng truck sa kahabaan ng C-3 Road, Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Rodolfo Puzon, ng Tondo, Manila.
Kinilala naman ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang truck driver na si Gilbert Largo, 44, ng Bocaue, Bulacan na naaresto ng mga miyembro ng Navotas City Traffic and Management Office (CTMO).
Ayon kay Col. Balasabas, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng C-3 Road North Bay Boulevard South (NBBS) alas-11:40 ng gabi nang mahagip ito ng mabilis ang takbo na Isuzu truck (RFY 387) na minamaneho ni Largo na patungong Balut.
Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.





Comments