Kelot, nilitson gamit ang gulong

SINUNOG gamit ang gulong ang hindi pa nakikilalang lalaki na natagpuan sa Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa.
Sa inisyal na ulat mula sa pulisya, alas-5:40 ng hapon nang matagpuan ng napadaang residente ang biktima sa Esguerra Lot, Bgy. Salawag.
Madamo umano ang bahaging iyon ng bakanteng lote at natagpuan din doon ang sunog na gulong na ipinangsunog sa bangkay.
Sa sobrang pinsala sa katawan, hindi na ito makilala pero, patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya hinggil dito.





Comments