Katoma kinatay ng mag-ama
- Levi Gonzales
- Apr 6, 2019
- 1 min read

BRUTAL na kamatayan ang sinapit ng trabahador matapos pagtulungang pagtatagain ng mag-ama sa Sitio Baklas, Bgy. Talumpok West, Batangas City.
Pasado alas-6:00 ng umaga, magkakasama pang nag-iinuman ang biktimang si Ryan Abayon, 26, tubong Masbate at mga suspek na sina Nicanor, 45, at Ronald Carabido, 19, kapwa laborer at tubong Narciso, Quezon, pawang stay-in worker.
Ilang oras ang lumipas nang biglang nagkapikunan hanggang sa kumuha ng itak at karit ang mag-amang suspek.
Agad umano nilang pinagtataga saka kinarit ang biktima bago nagsitakas.





Comments