HOROSCOPE | ABRIL 6, 2019 (Sabado)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 6, 2019 (Sabado): Pinagaganda ng iyong kapalaran ang buhay mo kahit pa madalas ay kumikilos ka nang wala sa lugar. Ito ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabalita ang iyong kapalaran na ang buhay mo ay magkakaroon ng pagbabago kung saan babaguhin mo ang iyong mga prayoridad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-20-23-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Higit sa inaasahan mo ang mapasasaiyo. Lubusang magagalak ang puso mo at mag-uumapaw ang kasiyahan ng iyong kalooban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-28-34-39-43.
GEMINI (May 21- June 20) - Magkakasabay-sabay ang dating ng iyong mga suwerte. Nagbababala ang kapalaran na maaari kang magkaroon ng labis na tiwala sa iyong sarili na hindi makabubuti sa kabuhayan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-12-29-30-35-41.
CANCER (June 21- July 22) - Kung ano ang laman ng isip mo, magkakatotoo ito. Kaya huwag na huwag kang mag-iisip ng masama sa kahit na sino dahil muli, kung ano ang laman ng isip mo, ito ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-16-20-21-23-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magpasalamat ka sa langit sa pamamagitan ng pagbibigay saya sa mga nasa ibaba na nakalimutan na ng lipunan at hindi na pinapansin ng karamihan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-24-26-34-40-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tapusin mo ang kailangang matapos, ito ang susi upang magdatingan sa iyo ang marami pang pagkakakitaan. Hindi makabubuti sa iyo kapag dumami at naipon ang mga hindi mo pa natatapos. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-9-12-25-28-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bigyan mo ng saya ang iyong sarili dahil hanggang ngayon kapag masaya ka, sinusuwerte ka. Ito rin ay nagsasabing huwag mong pansinin ang iyong mga kabiguan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-18-20-33-37-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumakatok sa iyo ang mga bagong kabanata ng iyong buhay. Pagbuksan mo ito tulad ng pagtanggap mo sa iyong mga bagong kaibigan at kakilala kung saan punumpuno ng kaligayahan ang puso mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-13-29-31-42-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mamasyal ka dahil ang panahon ngayon ay panahon ng pamamasyal. Dito ay may mapupulot kang magagandang aral sa buhay na iyong mapakikinabangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-16-22-28-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang nakikita mo, ‘yun na ‘yun. Huwag mong dayain ang sarili mo na naghahanap ka pa ng ibang katotohanan na walang sapat na batayan para lang hindi ka masaktan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-13-17-28-30-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napakabilis ng dating ng mga suwerte mo sa larangan ng kabuhayan. Kung maaabutan ka na ang inaasikaso mo ay ibang bagay, ang panghihinayang ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-19-23-28-34-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka na parang hawak-hawak mo na ang suwerteng gusto mong mapasaiyo dahil posible itong matupad. Ang kumikilos nang positibo ay positibo rin ang makukuhang resulta. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-19-20-24-27-34.




Comments