top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Holy Thursday, gugunitain ni Pope Francis kasama ang mga bilanggo

  • Jersey Sanchez
  • Apr 6, 2019
  • 1 min read

GUGUNITAIN ni Pope Francis ang Mass of the Lord’s Supper o Misa ng Huling Hapunan sa Huwebes Santo kasama ang mga bilanggo sa Velletri, Italy.

Sa anunsiyo ng Vatican, huhugasan ng Santo Papa ang mga paa ng 12 bilanggo sa Velletri Correctional Facility.

Gayunman, bahagi ng liturhiya tuwing Misa ng Huling Hapunan ang washing of feet.

Kabilang din sa pagbisita ang pakikipagpulong sa mga bilanggo, prison staff, police at local leader at pagpapalitan ng mga regalo sa pinuno ng pasilidad.

Naging tradisyon ng Santo Papa na gunitain ang Holy Thursday Mass kasama ang mga taong walang kakayahang pumunta sa Vatican o sa Basilica of St. John Lateran.

Matatandaang, mula noong 2013 nang pumunta si Pope Francis sa mga kulungan at rehabilitation center para hugasan ang mga paa ng mga may sakit na bilanggo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page