'Di lang umaming retokado ang ilong... CHIENNA, NAGSALITA NA RIN SA PAGIGING P*KPOK DAW NIYA
- BULGAR

- Apr 6, 2019
- 2 min read

NAGING prangka si Chienna Filomeno sa pagsagot sa mga ibinabatong isyu sa kanya.
Sa guesting ng 22-anyos na GirlTrends member ng It’s Showtime sa Tonight with Boy Abunda last April 4 kung saan sumalang siya sa Legit or Lie segment, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Chienna at diretsong inamin kay Boy Abunda ang tungkol sa dalawang co-GirlTrends na kanyang nakaaway — sina Dawn Chang at Erin Ocampo.
Ilan sa mga isyung ibinabato diumano kay Chienna ay ang pagpaparetoke at pagiging bayarang babae.
Tinanong ni Boy si Chienna kung may kagalit siyang GirlTrends members.
“Legit” and “Lie” ang sagot ni Chienna.
May nakaaway daw siya, pero tapos na ‘yun.
Pag-amin niya, “Confrontation talaga. Kasi kailangan mo talagang i-confront ‘yung taong namba-backstab sa ‘yo.”
Binanggit ni Boy ang pangalan ng isa sa mga miyembro ng GirlTrends na si Dawn Chang, ex-housemate sa Pinoy Big Brother: 737 (2015).
Kinumpirma ni Chienna na nagkaroon sila ng hidwaan ni Dawn at ng isa pang dating miyembro ng GirlTrends na si Erin Ocampo.
Idinetalye ni Chienna kung ano ang naging dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.
“May times na lagi akong wala sa Showtime ‘coz of vacation and work, so ‘workation’ siya,” simula ni Chienna.
“And then, naawa ‘yung ibang GirlTrends and sinabi sa akin ‘yung mga hearsays nila, lahat ng pinagsasabi nila behind my back — Ate Dawn and ‘yung isa, [si] Erin.
“So, kinonfront ko sila.”
Pero wala raw isinagot sina Dawn at Erin nang komprontahin niya ang mga ito.
Naayos na ba ang alitan nila?
“Siguro, naging understanding na lang ako,” sagot ni Chienna.
Ayos na ba sila ni Dawn?
“Yes, we’re okay,” tugon niya.
Pero hindi na raw naayos ang hindi nila pagkakaunawaan ni Erin, at pinalampas na lang nila ito.
Samantala, nilinaw din ni Chienna ang tungkol sa retokada at bayarang babae issue.
Hindi naman idinenay ni Chienna na nagparetoke siya ng ilong.
Sabi niya, “There’s nothing wrong in enhancing something that you have. It’s your own choice… as long as wala kang natatapakang tao, go with it.”
Pero wala raw katotohanan ang akusasyong pinagkakakitaan niya ang kanyang katawan.
“Countless times kong naririnig ‘yan, Tito Boy. People will believe what they want to believe. Kahit sabihin ko na hindi, hindi pa rin sila maniniwala kung gusto pa rin nilang paniwalaan na isa akong bayarang babae.
“Pero it’s a lie,” pagtanggi pa niya.





Comments