top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Dahil minsan, nagiging toxic din... 7 BENEFITS NA PAGBE-BREAK SA SOCIAL MEDIA

Justine Daguno
Apr 6, 2019
3 min read

KINAIN ka na ba ng sis­tema, besh? Habang tu­matagal, lalong tumataas ang bi­­lang ng mga gu­magamit ng social media.

Sa katunayan, ang aver­age user ay kayang gumugol ng mahigit isang oras para lang sa kanilang social media at applications, grabe!

Bagama’t, karamihan sa atin, parte ng trabaho o pang-araw-araw na buhay ang so­cial media, ang sobrang pag­bibigay ng panahon dito ay nakasasama.

Kasabay ng summer va­cation, lalo na ng mga estud­yante, makabubuti kung ga­gamitin din natin ang pag­kakataong ito para mag-“break” sandali sa mundo ng internet. Kaya naman, para sa kaalaman ng marami, narito ang ilang benepisyo ng social media detox:

1. BREAK THE SO­CIAL COMPARISON CYCLE. Ayon sa ilang re­search, karamihan sa social media user ay madalas na ­iki­-nukumpara ang buhay nila sa iba. Halimbawa, status sa buhay, love life, achievement at marami pang iba. Kaya ang ending, dumarami ang insecure at hindi masaya sa buhay. Imbes na maging plat­form ito para makipagkap­wa-tao o makipag-socialize, nakapagdudulot ito ng ser­yosong problema sa self-esteem at self-identity ng user, alam mo na, bes?

2. PROTECT YOUR PRIVACY. Sa totoo lang, sobrang oks ng social me­dia, lalo na sa pagse-share ng pictures, videos at maging ‘yung highlight na pangya­yari sa buhay ay easy nang i-share sa iba. Gayunman, sa kabila nito, nababawasan ang ‘ika nga, “sense of pri­vacy” natin. Gayundin, ha­bang nasasanay tayo sa ga­nitong habit ay mas tuma­taas ang chance na ma­bik­tima tayo ng iba’t ibang mo­dus, kaya dapat hinay-hinay lang sa pagpo-post o mag-social media detox din ‘pag may time!

3. YOU’LL STOP FEELING SO COMPE­TITIVE. Kahit hindi natin napapansin, nailalabas natin ang ating “competitive side” sa social media. Minsan, ayos ito, pero madalas ay toxic naman para sa iba. ‘Yung tipong kahit short ka na sa budget o hindi na keri ng penny, eh, go ka lang para lang may maipagmaya­bang, ooops! Tandaan, hindi suka­tan ang bilang ng likes, com­ments at shares para mag­karoon ng magandang repu­tasyon. Ang ganitong com­petitiveness ay hindi healthy at posible ring maging sanhi ng depresyon at anxiety, kaya bago pa tayo tuluyang mapasama, tulungan natin ang ating sarili na lubayan pansamantala ang paggamit ng social media.

4. RECONNECT WITH THE REAL WORLD. Sa daan-daan o libu-libong friends at followers natin sa social media, lalo na sa Facebook, ilan sa kanila ang nakakausap mo? Ilan sa ka­nila ang nakasasalamuha mo? Marahil, para sa mga introvert, pabor ang hindi pag­kakaroon ng koneksiyon sa iba, gayunman, ang punto rito ay mas magkakaroon tayo ng time sa kapwa natin, partikular sa ating pamilya, mga kaibigan, katrabaho at iba pang mahal sa buhay.

Madalas, hadlang sa “qua­lity time” ang teknolo­hiya dahil busy tayo sa kani-kan­yang social media. Tulad ng gasgas ng kasabihan, maiksi lang ang buhay kaya sana, mas magkaroon tayo ng oras sa mga taong parte at ma­halaga sa ating buhay kaysa sa modernong tek­no­lohiya na “artipisyal” na saya lang ang kayang ibigay, gets mo?

5. IMPROVE YOUR OVERALL MOOD. Ayon sa ilang pag-aaral, ang sob­rang paggugugol ng oras sa virtual world ay nakapagdu­dulot ng iba’t ibang mental problem, partikular ang dep­resyon. Sa madaling salita, kung ayaw natin itong lu­mala, panahon na para mag-sign-off muna sa social media, okidoki?

6. STOP OBSES­SING OVER THE PAST. ‘Yung tipong, feeling nostal­gic tayo minsan kung saan panay ang balik natin sa mga old tweet at status natin o ‘yung tipong hindi pa rin natin maiwasang i-stalk si ex, naku! Nagiging daan ang social media kaya hindi pa rin tayo makapag-move on sa buhay, well, kung gusto nating makapag-move for­ward at maayos ang naging magulo nating buhay, ma­kabubuti kung hihinto na tayo. Ba-bye na sa old status at tweets, gayundin sa old and bad memories, ansa­beee?

7. GAIN A LOT OF FREE TIME. Napapansin mo ba na wala ka ng time sa pag-e-exercise, pagbabasa ng libro o paglilinis ng bahay? Isa sa mga rason ay dahil imbes na sa mas kapaki-pa­kina­­bang na bagay tayo ma­kapag­laan ng oras ay nau­ubos lang ito sa kapanonood, kala-like, comment at share natin ng iba’t ibang videos, memes, rants, status at iba pa sa FB, Twitter, IG at iba pa.

Pani­gurado, sa puntong umiwas tayo sa tukso ng social me­dia, eh, mas ma­giging worthy ang bawat segundo natin sa mundo. Pag-isipan nating mabuti, mga beshy! Awat na!

Sa umpisa, hindi ito ma­giging madali, pero sa kala­unan ng paghinto natin, unti-unti nating mapapansin ang mabuting dulot ng social me­dia detox, mas dumadali ang mga bagay-bagay at na­baba­wasan ang ating mga iniisip, lalo na ang pressure at expec­tation natin sa ating sarili at sa ating kapwa, ganern! Hi-hi-hi!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page