Batas na nagsusulong ng kasaysayan, kultura at pag-aaral ng pagkakakilanlan ng mga Filipino-Muslim s
- BULGAR
- Apr 6, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Mayroon bang partikular na batas na nagsusulong sa kasaysayan, kultura at pag-aaral ng pagkakakilanlan ng mga Filipino-Muslim sa mga eskuwelahan? — Salim
Dear Salim,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Sections 2 at 3 ng Republic Act No 10908 o mas kilala sa tawag na “Integrated History Act of 2016” kung saan ipinaliwanag ang layunin ng nasabing batas.
“Sec. 2. Integration of Filipino-Muslim and Indigenous Peoples History, Culture and Identity Studies in Philippine History. - With the ultimate objective of creating an inclusive history that accounts for all Filipinos, there is a need to integrate the history, culture and identity studies of Filipino-Muslims and Indigenous People in the grand narrative of Philippine history.
Sec. 3. Key Content. – In the formulation of the curriculum for an inclusive and integrative study of Philippine history, including the writing, printing and publication of textbook and other reading material relative thereto, the agencies concerned shall consult recognized expert on Filipino-Muslims and Indigenous Peoples history, culture and identity.”
Ang layunin ng nasabing batas ay isama ang kasaysayan, kultura at pag-aaral ng pagkakakilanlan ng mga Filipino-Muslim at Indigenous People sa kasaysayan ng Pilipinas na itinuturo sa mga eskuwelahan kabilang ang pagsulat, pag-print at paglathala ng aklat-aralin at iba pang materyal sa pagbabasa na may kaugnayan dito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.
Comentarios