4 arestado sa drugs

APAT na hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang arestado sa buy-bust operation sa magkahiwalay na barangay sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. David Nicolas Poklay, alas-8:00 ng gabi nang unang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Jowilouei Bilaro ang buy-bust operation kontra kay Rodrigo Galang, 32, ng Bgy. Karuhatan sa P. Santiago St., Bgy. Paso de Blas sa koordinasyon sa PDEA.
Agad sinunggaban ng mga operatiba si Galang matapos magbenta ng isang sachet ng shabu sa undercover police kapalit ng P300 marked money.
Narekober sa suspek ang buy-bust money, coin purse na naglalaman ng isa pang plastic sachet ng hinihinalang shabu at P100 bill.
Alas-12:30 naman ng hatinggabi nang maaresto rin ng mga operatiba ng SDEU sina Jerico Fernandez, Jonathan Azura at Jayvee Juan sa buy-bust operation sa Bgy. Gen. T. De Leon.
Ani SDEU Investigator PCpl. Catana Pamela Jay, nakumpiska sa mga suspek ang P300 buy-bust money, isang pink coin purse na naglalaman ng tatlong sachets ng hinihinalang shabu, P100 bill at ilang drug paraphernalias.





Comments