Yes, ganern! JOSHUA AT JULIA, KUNG KELAN 2 YRS. NA, SAKA UMAMING MAGDYOWA

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MATAPOS ang sunud-sunod na sightings, sa unang pagkakataon ay kinumpirma na ng onscreen love team na sina Joshua Garcia at Julia Barretto na dalawang taon na silang magkasintahan.
Ito ay matapos sabay na nag-post noong Miyerkules (April 3) ang dalawa sa kani-kanilang Instagram Stories ng litratong magkasama sila na mukhang kuha sa iisang lugar at nilagyan nila ng caption na: “Dalawang Taon.”
Hinala kasi ng mga JoshLia fans ay nag-celebrate na ang dalawa ng kanilang 2nd anniversary nu’ng araw na ‘yun. Ilang beses ding tila nadulas ang aktres nang ilarawan niya noong 2018 na “normal couple” sila ni Joshua, kung saan sinabi niyang madalas silang nag-aaway pero mabilis din namang magkaayos. Sinundan pa ito ng pagtawag ng aktres kay Joshua bilang “Gamer boyfie”.
Kahit hindi pa tuluyang umaamin sa kanilang relasyon, humarap na rin sa pagsubok ang dalawa nang kumalat ang balitang nakikipagpalitan ng mensahe si Joshua sa isang female fan na binigyan ng malisyosong kahulugan ng mga netizens. Pero agad naman nilang inayos at pinag-usapan ito at napatunayan na hindi totoo ang kumakalat na litrato online ng private conversation ni Joshua at ng naturang babae.
Unang nagkasama sina Joshua at Julia sa 2016 Metro Manila Film Festival entry na Vince and Kath and James kung saan unang na-develop ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa mauwi na nga sa kanilang pagkakamabutihan. Sinundan ito ng blockbuster film nilang Love You to The Stars and Back kung saan naipamalas nila ang galing sa pag-arte.
Sinundan din ito ng Star Cinema movie kung saan nakasama nila sina Sharon Cuneta at Robin Padilla. Sa ngayon, hiwalay muna ang dalawa dahil si Gerald Anderson ang bagong kapareha ni Julia at nagsisimula na silang mag-shoot ng movie sa Japan.





Comments