top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

Sa mga nag-uulyanin na riyan, read n’yo ‘to! MGA BAGAY NA KERING GAWIN PARA TUMALAS ANG MEMORY, ALAM

  • Jersey Sanchez
  • Apr 5, 2019
  • 2 min read

No Problem

HINDI pa man tayo senior citizen, sigu­ra­dong marami na sa atin ang pumu­pu­rol na ang me­morya kung saan ito ang dahilan kaya na­uso ang me­mory enhan­cer vitamins. Pero, mga besh, alam ba ninyo na dehins na nin­yo kailangan ng vitamins da­hil puwe­deng tumalas ang in­yong memorya sa pamamagitan ng mga sim­pleng gawa­in? Upang tumalas ang memorya, nari­to ang mga gawain na puwede ninyong subukan:

1. QUIZ YOURSELF. Pass muna sa computer games, lodi! Kumuha ng papel at ballpen para gawin ang nakasa­yan na paraan ng pagpapatalas ng me­morya. Subukang gumawa ng listahan ng grocery items, mga bagay na dapat gawin at iba pa at saka subukang alala­hanin ang mga nasa listahan.

2. PRACTICE SIM­PLE MATH PROBLEMS. Shoutout sa mga may ayaw sa math d'yan! Ha-ha-ha! Ayon sa mga eks­perto, “an addition and subtraction problem a day keeps cognitive decline away”, gayundin, maganda umano itong gawin tuwing umaga gamit lamang ang isip. Easy lang ito, mga lodi!

3. TELL A STORY. Kung mahilig kang magkuwento, try mo na ito! Epektibo umano itong mental stimulant dahil naka­tutulong ito sa pag­po-focus sa mga detalye kung saan may kaugnayan ito sa memorya, gayun­din sa pag-alala sa mga mahahalagang pangyayari sa ating buhay.

4. MEMORIZE PHONE NUMBERS. Noong mga bata tayo, kabisado natin ang mga contact number ng family members natin, sa­man­­talang, ngayon, hindi na na­tin kabisado ang sarili na­ting phone number. Agree? Sey ng experts, ang pagka­ka­bisado ng mga contact number ay nakatu­tulong upang mapa­lakas ang ko­nek­­siyon ng brain cells.

5. LEARN A FOREIGN LANGUAGE. Ayon sa mga eksper­to, ang pag-aaral ng mga bagong bagay sa loob ng mahabang panahon ay nakatu­tulong sa pagpopro­tekta sa utak, hindi lamang ang pakiki­nig kundi maging ang pag-aaral ng ibang lengguwahe.

6. CONSERVE YOUR MENTAL ENERGY. Sey ng experts, huwag nating saya­ngin ang ating ‘brain­power’ sa pagpilit na alalahanin ang parti­kular na bagay, bag­kus, alisin ang mga distraksiyon nang sa gayun ay makapag-focus ka sa mga bagay na dapat mong alala­hanin. Inirere­ko­men­da ang pag­ga­mit ng planner. Okie?

Madali lang gawin ang mga nabanggit, ‘di ba? Kaya kung ikaw ay isa sa mga beshy natin diyan na medyo pumupurol na ang memorya, try mo na ang mga ito. At least, hindi mo kailangang gumastos para sa memory enhancer vitamins, ‘di ba?

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page