top of page
Pokwang.jpg

Lider ng Anti-Crime Group dinukot sa hotel

Levi Gonzales
Apr 5, 2019
1 min read

PATULOY ang paghahanap sa dating lider ng Mayor’s Anti-Crime Group matapos dukutin ng mga armadong kalalakihan sa isang hotel sa Sta. Rosa, Laguna.

Base sa inisyal na ulat, alas-4:20 ng hapon habang nasa loob ng Mistro Restaurant sa Nuvali Hotel ang biktimang si Vic Allan Fajardo at kasama nitong si Ricky Atienza, nang tutukan sila saka kinaladkad palabas ng ilang armadong kalalakihan.

Agad silang isinakay sa puting van saka pinaharurot.

Ang biktima umano’y dating lider ng Anti-Crime Group na itinatag ng napaslang na si Mayor Antonio Halili ng Tanauan City, Batangas.

Posible umanong may kaugnayan sa dati nitong trabaho ang motibo sa pagdukot.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page