top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kaibigan daw kasi siya ng aktres… GLAIZA, KUMANTANG DEDMA NA KAY CARLO DAHIL NAAWA KAY ANGELICA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2019
2 min read

BLOOMING at mas nag-slim si Glaiza de Castro nang makausap namin sa launch niya bilang newest ambassador ng Symply G Hair & Skin Care products.

‘Di naman kataka-taka dahil in love ang aktres at masaya ang puso niya kahit pa long-distance ang relationship nila ng Irish boyfriend na si David Rainey na isang businessman na nakilala niya sa Siargao.

September, 2018 nang sinagot niya ang Irish guy na mahilig din sa music kaya nag-jive sila.

Ilang months pa lang ang relasyon nila pero sabi ni Glaiza, napag-uusapan na nila ang future nila, although wala pa namang marriage proposal si David.

Of course, dahil lumaki si Glaiza sa conservative na pamilya, mas gusto raw niyang kasal muna bago baby at never din niyang na-consider ang pagli-live-in na uso sa ilang kabataang showbiz celebrities ngayon.

Biniro ng press si Glaiza na taob niya ang BFF niyang si Angelica Panganiban na loveless ngayon. Sabi ng press, ireto ni Glaiza si Angelica sa mga kaibigan ni David.

Natatawa naman si Glaiza at sinabihan na nga rin daw niya si Angge na i-open ang puso sa non-showbiz guys dahil baka hindi suwerte ang kaibigan sa mga taga-showbiz.

Asked namin si Glaiza kung nagka­kausap pa rin ba sila ni Carlo Aquino na huling na-link at balitang nakabalikan nga ni Angelica. Sabi ni Glaiza, friends pa rin naman sila ni Carlo pero ‘di na sila nagkakausap dahil siyem­pre, na kay Angelica ang sympathy niya.

Ayaw na lang niyang magsalita sa nangyari sa dalawa dahil wala raw siya sa posisyon para magsalita kung bakit naghiwalay na naman ang mga ito.

Samantala, todo-thank you si Glaiza sa may-ari ng Symply G na si Mr. Glenn Sy sa tiwalang ibinigay sa kanya para maging bagong ambassador ng Symply G Hair & Skin Care products. Sa ganda ng hair at kinis ng balat ni Glaiza, effective endorser talaga siya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page