top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Iba’t ibang requirements upang makakuha ng ayuda sa mga programa ng PCUP, Alamin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2019
2 min read

MALIBAN sa tatlong priority programs ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), mayroon ding ibinibigay na ayuda ang komisyon para sa mga kababayan nating nailipat ng bahay na dating naninirahan sa mga danger zone.

Para sa inyong kaalaman, binigyan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang PCUP ng kapangyarihan para pangasiwaan ang Interim Shelter Fund (ISF) para sa proyekto nitong Oplan LIKAS kung saan mabibigyan ng Php 18, 000 ang mga kuwalipikadong benepisaryo.

Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Gusto ko sanang malaman kung kuwalipikado ba kaming makakuha ng ISF at kung anu-ano ang mga requirement para makakuha nito? — Clarissa

Sagot

Ang mga kababayan nating dating nakatira sa waterways ay kuwalipi­kadong benepisaryo ng Interim Shelter Fund (ISF) na nagkakahalagang Php 18,000.

Una, magkakaroon ng validation ang Department of Interior and Local Government (DILG) at sa validation na ito ay magsasagawa ng interview at tutu­lungan ang mga kan­didatong benepisaryo na makumpleto ang mga requirement.

Matapos nito, tutu­ngo ang PCUP sa komu­nidad upang magsagawa ng social preparation at muling ipaaalala sa mga benepisaryo kung anu-ano ang mga requirement na kanilang kakailanganin.

Matapos ang validation ay ipapasa ng DILG sa PCUP ang listahan ng mga benepisaryo para sa aktuwal na pamamahagi ng ISF assistance.

Ang mga kinakailangang doku­mento para sa validation ay dalawang valid government-issued identification cards (Passport, Driver’s License, UMID, Voter’s ID, Senior Citizen ID, PRC ID, Postal ID, NBI Clearance, Police Clearance, TIN ID at iba pa), affidavit na nagpatutunay na giniba o nilisan ang istraktura at NHA Entry Pass o NHA ID.

Kung kayo ay may katanungan, suhestiyon o nais magpa-accredit sa PCUP, maaari kayong sumulat o mag-email sa pcup.media2019 @gmail.com o magtungo sa PCUP Central Office, DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page