HOROSCOPE | ABRIL 5, 2019 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 5, 2019 (Biyernes): Negosyo ang magpapayaman sa iyo. Yayaman ka rin sa ibang bagay, pero sa huli magnenegosyo ka pa rin dahil ito ang utos ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Samantalahin mo ang masusuwerteng araw kung kailan puwede mong palaguin nang palaguin ang iyong pinagkakakitaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-14-28-29-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makikitang ikaw ay palakuwento na malinaw na senyales na natutuwa ka dahil nasasagap mong magdaragsaan sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-15-24-39-40-41.
GEMINI (May 21- June 20) - Lalapit sa iyo ang mga suwerte, pero may mga suwerte ka rin na kailangang ikaw ang lumapit. Isabuhay mo ang unang nasabi nang sa gayun ay hindi masayang ang iyong masusuwerteng araw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-12-15-34-42-45.
CANCER (June 21- July 22) - Bibilis ka ngayon. Ingatan mo ang iyong bilis upang hindi ito mapunta sa mabilisang pagpapalit ng desisyon. Mas maganda na ituon mo ang iyong bilis sa pagpapatupad ng iyong mga naunang plano. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-17-26-30-37-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malaya kang magagawa ang anumang gusto mo. Ang payo ay nagsasabing ang dapat mong gustuhin ay ang mga bagay na makikinabang ka at hindi ang mababawasan pa ang laman ng iyong bulsa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-13-15-18-22-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdag na suwerte ang mapasasaiyo, kumbaga, ang mga naunang suwerte ay puwedeng lumaki at dumami pa. Kaya lakas ng loob ang kailangan sa anumang pakikipagsapalaran sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-20-23-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pag-isipan mong mabuti ang gagawin mong pagpapasya. Ang unang basehan ay ang hindi ka ba mahihirapan sa buhay at ang paano na ang iyong pinansiyal na pangangailangan? Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-22-24-25-38-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sakyan mo lang ang mahaharot at palabiro dahil hindi nila alam na lihim na maililipat sa iyo ang ilang mga suwerte na nasa kanila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-23-37-41-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbawas ka ng hawak mo. Ito ang paraan para ang mga paparating na malalaking suwerte ay mahawakan mo. Muli, kailangang magbawas ka ng bagay na hawak mo na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-25-26-34-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isuot mo ang iyong paboritong kasuotan kahit nasa loob ka ng iyong bahay. Ito ang magsisilbing pampasuwerte mo at tatapos sa mga kamalasang hanggang ngayon ay nakakapit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-26-27-30-33-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakagugulat ang paraan kung paano ka susuwertehin dahil ito ay nagsasabing simpleng makipagkuwentuhan ka lang sa mga may kaya, mayaman, angat sa buhay at may sinasabi. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-18-28-35-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka puwedeng manatili sa loob ng bahay nang may katagalan. Una, magkakasakit ka, pangalawa, ang mga suwerte mo ay darapo sa iyo kapag ikaw ay namamasyal at naglilibang. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-20-27-33-38.




Comments