top of page
Pokwang.jpg

Furniture shop nasunog, empleyado nalitson

Gina Pleñago
Apr 5, 2019
1 min read

HINDI na nagawang makalabas sa nasusunog na tindahan ng furniture ang la­laking trabahador habang sugatan ang dalawa katao sa Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Ayon kay Sgt. Ro­que Garcia, kinilala ang nasawi na si Mario Mercurto, traba­hador ng Markline Furniture ha­­bang sugatan ang kasa­mahan nitong si Renante Clavano, 26, at ang bumbero na si FO1 Cervantes Joseph Lipata, 27, na kapwa may 1st degree burns sa kanilang katawan.

Base sa inisyal na report ng Muntinlupa City Bureau of Fire and Protection, su­mik­­lab ang sunog sa tindahan sa Te Laurel Compound, Bgy. Putatan, alas-7:12 ng umaga.

Napag-alaman na nasa 20 kawani ang nagtatraba­ho sa nasabing establisim­yento nang mangyari ang sunog.

Agad nakalabas ang mga ito maliban sa nasa­wing bik­tima. Idineklarang fireout ang naturang sunog alas-8:01 ng umaga na umabot sa unang alarma. Sa ngayon, iniimbesti­gahan pa ang pinagmulan ng apoy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page