Empleyado tiklo sa shabu
- Pabs Hernandez III
- Apr 5, 2019
- 1 min read
ORMOC CITY—Isang empleyado ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu sa buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Don Felipe sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si Ariel Tayong, empleyado ng Ormoc City Hall at residente sa nasabing lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Tayong na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments