top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Alamin mula kay Maestro... TAKDANG KAPALARAN AT PAGKATAO NG MGA ISINILANG SA YEAR OF THE GOAT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 5, 2019
  • 2 min read

SINASABING ang mga Kambing o Tupa ay sadyang mahilig sa si­ning, kampanteng pamu­mu­hay at gustung-gusto nila ang mga lugar na malapit sa kalikasan. Bakas din sa kanilang pag­katao ang pagiging mapagmahal, tahi­mik, mapag-isip at mahilig sa musika.

Palakaibigan, pero mahi­yain, kaya naman kadalasan kakaunti lang ang kanilang mga nagiging kaibigan, pero umasa kang ang pagkaka­ibi­gang ito ay magiging ta­pat at panghabambuhay.

Hindi kasi nang-iiwan sa ere ang mga Kambing o Tupa kung saan sa sandaling naging bahagi ka ng buhay nila, ang ugnayang ito ay ta­laga namang tine-treasure o iniingat-ingatan nila.

Sinasabi ring ibinabahagi lang nila sa kanilang matata­lik na kaibigan ang laman ng kanilang puso at pagiging sen­timental. Ang totoo nito, sadyang namimili ang Kam­bing o Tupa ng mga taong kanilang kakaibiganin at pag­kakatiwalaan sapagkat tulad ng nasabi na, kapag nagus­tuhan ka nila, 100% nilang ibibigay ang kanilang tiwala sa iyo at habambuhay na nga kayong magiging mag-best­friend.

Sa pag-ibig, sinasabing bukod sa madaling ma-in love ang mga Kambing o Tupa, sila rin ay sobrang matiisin at medyo may pagkamar­tyr sa panahong sila ay nag­­mamahal. Kaya naman kahit na may mga pag­ku­kulang o hindi ma­gandang ugali ang ka­nilang kasuyo, handa silang pagpasensiyahan ito at magsawalang-kibo na lamang.

Para sa kanya, as long as masaya siya at nagmama­hal, kahit na ano pa ang pang­yayari at negative na kata­ngian ng kanyang kasuyo ay handa niya itong hindi pan­sinin at tiisin na lang para hindi masira ang kanilang relasyon.

Dagdag pa rito, sinasabi ring ang mga Kambing o Tupa ay sobra kung mag­mahal at palagi silang nakatali o sa madaling salita ay sob­rang close sila sa kanilang pamilya at tahanan.

At dahil mapagmahal sila at maalalahanin sa ka­nilang mga mahal sa buhay, hindi nila nalilimutang alala­hanin ang mga mahahala­gang okasyon sa kanilang pamilya at tahanan, gayun­din ang mahahalagang pang­yayari na naganap sa kanila ng kanyang kasuyo o kasin­tahan.

Sa sandaling napalapit ang loob nila sa babae o la­laki, sobrang napapamahal at naa-attract sila sa kanilang nakarerelasyon kaya sa pan­samantalang paglalayo, ha­los hindi ito makayanan ng Kambing o Tupa dahil tulad ng nasabi na, sobrang emos­yunal sila at sobrang “hope­lessly romantic” kung mag­mahal.

Sinasabi ring madaling nai-in love ang Kambing o Tupa, lalo na kung ikaw ay nagtataglay ng malinis at tahimik na puso, ngunit, assertive at buo ang ka­looban ng pagkatao.

Likas namang ma­giging mapalad ang Kambing o Tupa, sa san­daling siya ay napa­paligiran ng mga taong malalakas ang loob at may strong personality.

Ang extrovert at ma­siglang pagkatao ng Kabayo ay tugmang-tugma sa tahi­mik at maramdaming Kam­bing o Tupa.

Nakatakda ring maging matalik na kaibigan ng Kam­bing o Tupa ang masa­ya­hing Kuneho dahil hindi nagkakalayo ang kanilang dam­damin, kaya naman ma­dali silang magkakaunawa­an at magkakasundo.

Katugma rin ng Kam­bing o Tupa ang maharot na Unggoy, mata­pang na Dra­gon at makasa­riling Tan­dang.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page