After 20 yrs. bilang lider | ALGERIAN PRES. BOUTEFLIKA, NAGBITIW
TULUYAN nang nagbitiw sa puwesto si President Abdelaziz Bouteflika matapos ang malawakang protesta ng libu-libong Algerians na tumagal ng ilang linggo.
Si Bouteflika ay namuno sa loob ng dalawang dekada at hindi na tumuloy para sa ikalimang termino.
Ang malawakang demonstrasyon sa iba’t ibang bahagi ng Algeria ay dahil sa kuwestiyunableng kakayahan ng presidente na muling tumakbo.
Naupo sa puwesto ang presidente mula 1999 ngunit, hindi na ito nakikita ng publiko matapos ma-stroke noong 2013.
Gayunman, pormal na nagbitiw sa puwesto si Bouteflika noong Martes.
Sa kanyang sulat na inilabas ngState News Agency na APS, hinimok ng pangulo ang mga mamamayan na manatiling nagkakaisa gayundin, humingi ito ng kapatawaran sa anumang naging pagkukulang nito bilang pinuno.





Comments