top of page

Dahilan ng pangangati at pangangamoy ng ari

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 5, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 24 years old, may asawa, pero wala pang anak. Na­ba­bahala ako dahil madalas ang panga­ngati ng aking ari at parang kakaiba ang amoy nito. Sa totoo lang, ilang araw na ito kaya naisipan kong gumamit ng suka para ipanghugas tu­lad ng sinabi ng aking biye­nan. Ang problema, tila hindi naman ito epektibo dahil hindi nawala ang panga­ngati at bumabalik din maka­lipas ng ilang oras. Ano kaya ang dahilan nito, gayundin mayro­on ba akong maaa­ring gawin para rito? — Unknown lady from Cavite

Sagot

Maraming puwe­deng dahilan ng panga­ngati ng ari. Maaaring semilya mula sa paki­kipagtalik ang sanhi nito subalit, hindi ito dahil sa marumi o mabahong semilya.

Ano ang dahilan ng pangangati at panga­ngamoy ng ari?

Ang semilya o seminal fluid ay alkaline na nagkakaroon ng reaksi­yon sa pagiging acidic ng ari ng babae kaya nagkakaroon ng amoy.

Nakaaapekto sa amoy ng ari ang iniinom at kinakain tulad ng alcohol, broccoli, sibu­yas, ba­wang, luya, curry o asparagus, red beens at kape.

Ayon sa mga eks­perto, isa sa mga maaa­ring dahilan ng panga­ngati at pangangamoy ng ari ay ang yeast infection, nabubuhay ang yeast sa carbohydrates at sugar kaya mainam na umiwas sa matatamis na pagkain at inumin. Tatlo hanggang apat na kaba­baihan ang posibleng magkaroon ng yeast infection (candidiasis) at puwedeng mang­yari kahit sa mga buntis at ang pakikipagtalik ay isa sa posibleng dahilan ng yeast infection.

Isa pang dahilan ng pagkati at pagkakaroon ng amoy ng ari ay chemical irritants tulad ng paggamit ng feminine wash na masya­dong matapang. Mada­las, ang ginagamit na vaginal wash ay hindi akma sa pH ng vagina.

Maaari ring sanhi ng iritasyon sa ari ang bacterial infection o kaya sexually transmitted infection (STI) tulad ng genital warts o kulugo, herpes at gonorrhea o tulo.

Sadyang may parti­kular na amoy ang ari ng babae, pero hindi ito dapat amoy malansa.

Dahilan din ang pag­me-menopause sa pa­nga­ngati at pagkakaroon ng amoy ng ari.

Bumababa ang estrogen production sa pana­hon ng menopause dahil ang vaginal wall ng babae ay numinipis at natutuyo.

Gayunman, inirere­komenda sa kababaihan ang magpatingin sa espesyalista o OB-Gyne kapag umabot na sa mahigit tatlong araw ang pangangati at pa­ngangamoy ng ari upang masuri kung ano ang partikular na dahilan nito.

Ano ang maaaring gawin upang maiwa­san ito?

  • Ugaliing hugasan ang ari, makabubuti kung tubig lang ang gamitin. Kung gagamit ng sabon, dapat hindi ito napaka­bango dahil baka lalong mangati ang ari.

  • Makatutulong sa hygiene kung aalisin ang pubic hair.

  • Magsuot ng underwear na cotton ang tela.

  • Huwag masyadong gumamit ng masikip na pantalon.

  • Ipinayo ng mga doktor ang pag-inom ng probiotics at pagbabago ng diet upang mas maraming tubig, gulay at prutas ang mainom at makain, araw-araw.

Hindi dapat binaba­lewala ang anumang pa­ngangati o pangangamoy sa ari dahil kung maaga itong masusuri ng OB-Gyne, maaga rin itong matutugunan upang bumuti at guminhawa ang pakiramdam.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page