6 kulong sa droga

ARESTADO ang anim katao kabilang ang tatlong hinihinalang tulak ng iligal na droga na nagbenta ng shabu sa pulis sa buy-bust operation sa magkahiwalay na barangay sa Navotas City.
Ayon kay Navotas Police Chief P/ Col. Rolando Balasabas, alas-11:30 ng Miyerkules ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Eric Roxas ang buy-bust operation kontra kina Albert de Luna, 30, at Shaira Dequiña, 18, sa Bgy. Tangos South sa koordinasyon sa PDEA.
Matapos iabot ng mga suspek ang sachet ng shabu kay Pat. Raymund Nagal na nagpanggap na buyer kapalit ng P300 marked money, agad lumapit ang back-up na mga operatiba at dinamba si De Luna kasama si Dequiña.
Ani PCpl Jaycito Ferrer, narekober sa mga suspek ang sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money habang inaresto rin sina Jerryson Navora, 31; Crispin Bagtas, 34, at Marilou, 34, matapos makuhanan ng tatlong sachets ng hinihinalang shabu.
Alas-2:20 naman ng Huwebes ng madaling-araw nang madakip sa buy-bust operation sa S. Roldan St., Bgy. Tangos South si Salvador Roldan, 39, matapos magbenta ng isang sachet ng shabu na nagkakahalagang P300 kay PCpl. Jesse James Anaydos na umaktong buyer.





Comments