top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

4 BIFF, utas sa engkuwentro

Jeff Tumbado
Apr 5, 2019
1 min read

NAPASLANG ng militar ang apat na umano’y miyembro ng ISIS terror linked na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa naganap na engkuwentro sa Datu Unsay, Maguindanao, Huwebes ng umaga.

Ayon kay Major General Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division-Philippine Army, sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng kanyang mga tauhan at ng nasa 60 BIFF fighters sa bulubunduking bahagi ng Bgy. Pamalian.

Nakipagsagupaan umano sa tropa ang mismong sub-commander ng teroristang grupo na si Ali Abdul Malik, isa sa apat na napatay.

Si Ali ang umano’y kapatid ng BIFF commander na si Abu Turaife.

Kabilang din sa napatay ang anak ni Abu Saiden, ang sub-commander din ng BIFF.

Nasa 12 miyembro naman ng mga terorista ang nasugatan ayon kay Sobejana.

Dalawang sundalo naman ang iniulat na nasugatan.

Nag-umpisa ang sagupaan nang maglunsad ng airstrikes at ground assaults ang tropa ng pamahalaan sa hinihinalang pinagkukutaan ng teroristang grupo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page