top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Reduce caffeine, wake-up naturally, optimize your room etc... MGA PARAAN PARA

Ms. Jersy
Apr 4, 2019
2 min read

No Problem

SIGURADONG may mga beshy tayo riyan na paba­gu-bago ng routine, kaya apektado rin ang kanilang pagtu­log sa gabi. Kung minsan pa, hindi na talaga sila nakatu­tulog kaya pati ang trabaho o iba pang gawain ay apektado na rin. No more worries dahil narito ang ilang paraan para maibalik ang inyong sleeping pat­tern:

1. MAINTAIN A CONSISTENT SLEEP SCHEDULE. Ayon sa mga eksperto, bawat in­dibidwal ay kailangan ng 7 hanggang 9 oras na tulog upang makapag-function nang tama sa susunod na araw.

Sa pagkakaroon ng consistent na oras ng tulog, masasanay ang katawan na matulog sa oras na naka­sanayan mo.

Sa pagkakaroon ng consistent na oras ng tulog, masasanay ang katawan na matulog sa oras na naka­sanayan mo.

2. REDUCE CAF­FEINE. Ang caffeine ay na­katutulong upang ma­natiling alerto ang indibid­wal.

Kaya para sa mga coffee is life riyan, bawas muna sa pagkakape sa ha­pon hanggang sa gabi nang sa gayun ay hindi ka ma­hirapan sa pagtulog nang maaga. Copy?

3. GO GADGET-FREE. Dehins masamang gumamit ng gadgets sa gabi, pero, ito ang kara­niwang rason kung bakit nasisira ang sleeping cycle ng karamihan.

Kaya besh, kung bed time na, log-out na muna sa social media para makatulog nang maaga. Okie?

4. EXERCISE RE­GU­LARLY. Ang regular na pag-eehersisyo, parti­kular sa umaga ay naka­pag­papaganda ng sirku­lasyon ng dugo, gayundin ang kalidad ng tulog.

Kaya ano pa ang hini­hintay ninyo? Gora na sa mga park para mag-eher­sisyo sa umaga. He-he-he!

5. BRING POSI­TIVE THOUGHTS TO BED. For sure, lahat tayo ay may “happy thoughts”, kaya mga besh, mabuting ito ang isipin bago matulog nang sa gayun ay good vibes ka hanggang sa iyong panaginip. Copy?

6. WAKE-UP NA­TURALLY. Ang bigla­ang pagtunog ng alarm habang nasa kalagitnaan ng tulog ay nakapagti-trigger ng fight-or-flight response kung saan maaari itong mauwi sa chronic stress kung paulit-uit itong mararanasan.

7. OPTIMIZE YOUR ROOM. Siyempre, ma­ka­tutulog ka nang ma­him­bing kung kompor­table ka sa iyong hini­hi­gaan.

Inirerekomenda ng mga eksperto ang pag-i-invest sa malambot at komportableng higaan, unan at bed sheet para sa mas magandang pagtu­log.

Oh, ayan, mga bro at sis, siguradong dehins na kayo mahihirapang ibalik ang inyong sleeping cycle dahil sa tips na ito.

Make sure na ise-share ninyo ito sa mga beshy ninyong hirap sa pagtulog, ha? Have a good sleep, lodi! Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page