Pusher patay sa drug-bust
- Pabs Hernandez III
- Apr 4, 2019
- 1 min read
CABANATUAN CITY—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Bantug Norte sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si Gil Martinez, residente ng Bgy. Mayapyap Norte sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Martinez, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments